Gamit na naiwan ng 3 Oman national sa taxi, nabawi

NABUHAYAN ng loob ang tatlong Oman national na nakaiwan ng malaking halaga ng salapi at mahahalagang dokumento sa sinakyang taxi matapos mabawi ng pulisya ang lahat ng kanilang gamit kanina sa Parañaque City.

Napag-alaman na sumakay ng taxi ang tatlong estudyante ng isang flying school sa Parañaque City na sina Ahmed Hamed Al Harthi, Nebras Al Toqi at Arafat Alijabar mula sa isang hotel sa Quezon City noong Lunes ng gabi subalit nang bumaba na sila ay nakaligtaang damputin ang kanilang mga gamit.

Kabilang sa mga naiwan ng mga dayuhan sa sinakyang taxi ang US $1,500 cash, iphone,

ipad, pilot license at pasaporte.

Gayunman, natandaan naman nila ang plate number ng taxi na UVZ-770 kaya’t iniutos kaagad ni Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran sa kanyang mga tauhan na alamin kung kanino nakarehistro ang naturang plate number.

Kahapon ay natunton ng mga pulis na nakarehistro ang taxi bilang Wine Lean Taxi na may tanggapan sa Quezon City kaya  kaagad silang nagtungo sa lugar kung saan inabutan pa ang driver na nakilalang si Julito Tubis.

Kaagad namang isinauli ni Tubis sa mga pulis ang lahat ng mga kagamitan na naiwan ng tatlong dayuhan sa ipinapasada niyang taxi.

Ayon kay Tubis, hindi niya pinag-interesan ang mga naiwang gamit at nais aniya niya itong isauli subalit hindi niya alam kung saan pupuntahan ang mga dayuhan kaya’t hinintay na lamang niya na may kumuha nito sa  kanyang garahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply