Gastos, resulta ng biyahe ni PNoy, iulat sa bayan — pari

pnoy8

HINIMOK ng isang Catholic priest ang pamahalaan na iulat sa publiko ang mga gastusin at resulta ng mga foreign trips ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ang panawagan ni Solidarity Philippines at Kontra Daya lead convenor Fr. Joe Dizon ay kasunod na rin ng sunud-sunod na pagbiyahe ng pangulo sa iba’t ibang bansa, kung saan ang pinakahuli ay sa Cambodia.

Iginiit ni Dizon na karapatan ng mga mamamayan na malaman ang katotohanan lalo na at magkaiba ang press release ng administrasyon sa resulta ng mga lakad ni PNoy sa abroad, kung ikukumpara sa lumalaking bilang ng mahihirap at walang trabaho sa bansa ngayon.

Nanindigan si Dizon na maari namang iwasan na maging magarbo ang gastusin at limitahan ng Presidente ang bilang ng kanyang delegasyon upang makatipid.

Sinabi pa nito na halos naka-pitong “foreign trip” na ang Pangulong Aquino pero hindi naman nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan ang resulta nito.

Aminado rin si Dizon na obligasyon ng Pangulo na makipagpulong sa iba’t-ibang head of state ngunit kailangan aniyang magpakita pa rin ito ng halimbawa sa pamamagitan ng pagtitipid dahil hanggang ngayon ay laganap pa rin ang kahirapan sa bansa.

Ipinaalala rin ni Dizon sa pangulo na noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay madalas din itong tuligsain dahil sa madalas na magarbong pagbiyahe.

“Wala naman talagang problema na ang pangulo ay may panahon na dapat lumabas at makipagtastasan sa iba, kasi we, Filipino, we belong to a community of nation, kaya lang dapat alalahanin niya noong panahon ni dating Pangulong GMA, lagi niyang kini-criticize ito na lagi siyang lumalabas at napaka-engrandeng paggastos at maraming isinasama, mukhang yun ang nasisilip niya, walang kuwestiyon tungkulin niya lumabas pero dapat magpakita siya ng halimbawa, galing siya sa isang bansang mahirap,” ayon kay Dizon.

“So hindi kailangang, magarbo at malaki ang kanyang delegasyon, pangalawa, marami na siyang pagkakataon na lumabas, dapat magkaroon ng auditing at reporting, ano na ang nangyari, kasi lagi nila sinasabi successful pero patuloy ang pagdami ng mahihirap sa kasalukuyan, kaya hindi nagma-match ang kanilang press release sa mga nangyayari sa ground,” ayon pa kay Dizon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply