‘Gay serial killer’ pumapatay dahil sa pera, droga

PERA at droga ang nag-uudyok sa tinaguriang “gay serial killer” na patayin ang kanyang mga nagiging biktima sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Ayon mismo sa suspek sa kanyang panayam sa radyo na kinilalang si Christian Garupil na kasalukuyang nakakulong sa San Fernando City Police Station, dahil sa pangangailangan umano ng pera ay nagawa niya ang pagpatay sa mga bakla dahil sa utos ng isang Jhon Kenneth Ulpindo na tubong bayan ng Rosario sa lalawigan.

Ayon pa sa suspek, binabayaran siya ni Ulpindo upang patayin ang mga nakakarelasyon nitong bading at hindi rin niya umano tinatangging gumagamit siya ng shabu.

Unang napabalitang isinuko mismo ng ina si Garupil sa mga awtoridad dahil hindi umano nito masikmura ang mga serye ng pagpatay ng anak sa apat na bakla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply