Gen. Palparan, hinamon ni Gazmin na lumantad

jovito-palparan-front

HINAMON ng Defense Department at ng Armed Forces of the Philippine si retired Mgen Jovito Palparan na lumantad na at harapin ang mga aksong kinakaharap nito upang hindi maging balakid sa sinusulong na transformation ng organisasyon na dati niyang kinaaaniban.

Ito ang naging mensahe kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kay Palparan na tinuturing na isang pugante matapos na magtago makaraang isangkot sa ibat ibang human rights violation na may kaugnayan sa pagkawala o pagkamatay ng ilang personalidad na kabilang mga mga militanteng hanay.

Ayon kay Gazmin “ang message dun, you do not smear your organization, lumabas, prove yourself to be innocent if you are innocent, eh kasi fugitive sya e, he is destroying the image of the armed forces, not only the army.”

“Now he should come out, kung talagang wala syang kasalanan come out and face the music, sabi pa ni Gazmin.

Kabilang sa mga kasong ibinibintang kay Palparan ang two charges ng  kidnapping and serious illegal detention bunsod ng umanoy pagiging responsible nito sa pagdukot Karen Empeño at  Sherlyn Cadapan sa kapwa  University of the Philippines (UP) students na nagsasagawa lamang umano ng kanialng research  Bulacan noong  2006

Inihayag pa ng kalihim na patuloy na ngayon ang nagaganap na transformation sa buong armed forces at ang roadmap na tinatahak ang hukbo tungo sa pagiging isang professional organization na kumikilala sa karapatang pantao at naghahangad ng tunay na kapayapaan.

Nilinaw pa ni Gazmin na kabilang sa inaasam nilang pagbabago sa hukbo na maisakatuparan na ang kanilang mga combat operation ay maging mga humanitarian at medical mission na lamang na sa halip na pumatay at humuli ng tao ay magsamsa sama sa pagsusulong ng kapayapaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply