GenSan, inuga ng 4.2 magnitude na lindol

NANGAMBA ang mga residente sa posibleng pagguho ng lupa o landslide nang yanigin ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng General Santos City kaninang alas-4:01 ng madaling araw.

Naramdaman ang intensity 2 sa General Santos City.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 90 kilometro sa timog Silangan ng General Santos City.

Nabatid sa pagsusuri na tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 133 kilometro.

Wala naman iniulat na nasaktan o namatay sa naganap ng lindol.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply