Gina Lopez, sumemplang sa bike, sugatan

gina-lopez

SUMEMPLANG sa bisikleta si ABS-CBN foundation managing director at environmentalist Gina Lopez sa isang Quezon City Park nitong Sabado ng hapon (Nobyembre 3).

Si Lopez ay nagtamo ng sugat iba’t ibang bahagi ng katawan at ngayon ay nagpapahinga na lamang sa Far Eastern University Hospital sa Fairview.

Sa ulat ni P/supt Virgilio Fabian, ng Quezon City Police District- Fairview station, naganap ang insidente alas 5:22 ng hapon sa Tower II ng La Mesa Dam Ecopark, sa Barangay Lagro.

Bago ito, nakasakay sa kanyang mountain bike ang  environmentalist na si Lopez sa loob ng La Mesa Dam Ecopark nang mawalan ng balanse sa pagpapatakbo ng kanyang bisikleta at nahulog sa kalsada.

Nakausap ni Fabian, si Lopez nitong Sabado rin ng gabi at sinabing maayos na ang kanyang pakiramdam pero hiniling nito ang paglipat sa St. Luke’s Hospital para sa mas masusing medical examination.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply