Ginang dinampot sa pananakit sa binatilyo

KALABOSO ang isang ginang nang saktan ang binatilyong kalugar sa Caloocan City kaninang umaga.

Nahaharap sa kasong physical injury in relation to child abuse si Margie Canillo, 32 ng Tanigue St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang puntuhan ng suspek ang biktimang edad 16 sa bahay ng huli at tinalakan dahil walang “hulog” sa pahulugang damit na inorder ng biktima sa kanya.

Nang sumagot ang binatilyo ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa saktan ng suspek ang biktima.

Nalaman ng mga magulang ng biktima ang nangyari na naging dahilan upang humingi ng tulong sa barangay tanod at pinadakip ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply