Ginang na natagpuang patay, kilala na; ka-live-in tugis

bangkay 2

KILALA na ang ginang na natagpuang patay na may malaking sugat sa ulo, habang nakalugmok sa tabi ng dagat ng Manila Bay, sakop ng Vitas Sa Tondo, nitong nakaraang Nobyembre 13.

Sa pamamagitan ng anak at ilang kamag-anakan, nakilala sa Cruz Funeral Morgue ang biktimang si Maritess Espedilla, 38 anyos, ng Barangay Pari, Meycuayan Bulacan, habang ang sinasabing kinakasama nito na nakilalang si Willie Ramos, 48 anyos, at sinasabing truck driver sa North Harbor sa Tondo ay pinaghahanap na ng mga awtoridad para isailalim sa imbestigasyon.

Ayon kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, ang huling kasama umano ng biktima ng araw na ito’y umalis ay ang kanyang kinakasama.

Nabatid sa ilang kaanak ng biktima at ilang kapitbahay sa Bulacan, may isang taon halos nagsasama ang ginang at si Ramos, subalit malimit din na sila’y nag-aaway.

Drayber umano ng truck sa North harbour si Ramos, kaya naniniwala sila na ang gumawa ng krimen kay Espedilla ay ang umano’y ka-live-in.

Napag-alaman pa sa 16 anyos na babae ng ginang sa una na naka text ng ka-live-in ng ina at nakasaad umano sa text na sumama ito sa biyahe, pero hindi naman daw umano ito nagpapakita sa kanila, maging ang kaniyang ina.

Naghinala na lamang ang mga kapitbahay at ilang kaanak ng ginang ng hindi na ito nagpakita pa sa kanila at nabalitaan na lamang nila na may pinaslang na babae at natagpuan ito sa tabi ng dagat.

Dahil dito, agad silang lumuwas ng Manila, at natuklasan na wala ng buhay si Espedilla.

Nauna rito, isang babae na inilarawan sa edad sa 25 hanggang 35 anyos, may taas na 5’2 hanggang 5’4, nakasuot ng kulay pink na long sleeve na may tatak na “SAULT”, pulang jogging pants at walang anumang sapin sa paa,ng dakong 6:30 ng umaga nitong nakaraang Nobyembre 13 sa tabi ng dagat ng Harbour Center sa Road 10, Vitas Tondo.

Nakadapa umano ito habang ang ulo nito sa ibabaw ng isang malaking tipak ng bato na hinihinalang ginamit sa pamamaslang at ang kaliwang kamay ay nakapatong pa sa kanyang ulo na tila inayos pa ng salarin.

Nakuha rin sa tabi ng biktima ang isang duguang Nokia cellphone kasama ang Sim card nito at walang ibang anumang pagkakakilanlan sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply