Ginang nagpasok ng shabu sa BJMP sa Pangasinan, arestado

KALABOSO ang isang ginang makaraang magpasok umano ng shabu saloob ng Bureau of Jail Management and Penology ( BJMP) para sa kanyang mister sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Nakuhanan ng BJMP Urdaneta ang suspek na si Gladys Kudyamat, ng Brgy Pinmaludpod, ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa kaniyang wallet.

Ayon naman kay Gladys, hindi sa kaniya ang shabu at maaaring inilagay ito ng kaniyang tiyuhin doon.

Intensyon lamang umano ng suspek na dumalaw sa kanyang mister na apat na taon nang nakakulong.

Nabatid pa na sangkot sa droga ang asawa nito na naging dahilan ng kaniyang pagkakakulong na hinihinalang siyang nag-utos na magpasok ng shabu sa loob.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply