Ginang nahulog sa trike, nasagasaan ng van, dedo

NAHULOG muna sa traysikel na minamaneho ng kanyang mister bago nasagasaan ng kasunod na van ang ulo mismo ng isang ginang sa Ilokos Sur kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong pagkabasag ng bungo ang biktimang si Corazon Lazarte, 43-anyos, residente ng Barangay Bantay, Quinarayan, Narvacan, Ilokos sur.

Imbes naman hintuan, tinakasan ng hindi nakikilalang drayber ng van ang kanyang pananagutan sa krimen pero sa huli ay makikilala rin ito base na rin sa salaysay ng mga nakasaksi sa awtoridad.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 8:30 ng umaga  sa Barangay Bantay Abot, Narvacan.

Bago ito, pinapatakbo ng mister ng biktima na si Arnold Lazarte ang kanilang traysikel at sakay nito ang kanyang misis.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nawalan ng control sa pagmamaneho si Arnold kaya nahulog mula sa traysikel si Corazon.

Sa kamalasan pa, eksaktong kasunod ng mag-asawa ang isang van at sa hindi inaasahang pangayayari ay nasagasaan ang mismong ulo ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply