Ulo ng ginang tinagpas ng anak

crime-scene-4

ISANG ginang ang walang-awang pinaslang at pinugutan ng ulo ng kanyang sariling anak na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip sa Negros Occidental.

Sa Report na nakarating sa Camp Crame mula PNP Negros Occidental, kinilala ang biktima na si Nenita Aguirre, 70 taong gulang residente ng Barangay 7, Moises Padilla, Negros Occidental.

Agad namang nadakip ng mga tauhan ng Moises Padilla Police Office ang suspek na si Jojie Aguirre na hinihinalang may diprensya sa pag-iisip.

Sa inisyal na pagsisiyasat bandang alas-7:00 ng umaga, bumulaga sa mga kaanak ng biktima ang pugot na bangkay ng biktima na nakadapa at tigmak ng dugo.

Laking panghihilakbot ng pamilya nang matagpuan ang ulo ng biktima na parang Christmas décor na inilagay sa ilalim ng Christmas tree sa sala ng kanilang bahay.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/Sr.Inspector Robert Mansueto ng Moises Padilla Police, tulala at hindi naman makausap nang matino ang suspek na sinasabing may sakit sa pag-iisip at dumaranas ng depresyon dahil sa away nila ng kanyang asawa.

Bago umano isinagawa ang pamumugot ay narinig ng mga kapitbahay na nagtatalo ang mag-ina kagabi.

Subalit sa pagsisiyasat ay sinabi ng suspek na napag-alamang tatlong araw ng hindi natutulog na hindi niya natatandaan ang kanyang ginawa.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na balak isailalim ng pulisya sa psychiatric evaluation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply