Ginang todas sa riding-in-tandem

crimedeath

BUTAS ang panga ng isang ginang matapos na malapitang barilin ng ‘di pa kilalang riding in tandem sa Bagong Barrio, Caloocan City Miyerkules ng umaga (Nobyembre 28).

Dead on arrival sa Quezon City General Hospital si Lalaine Ranin y Adian, 47, balo, ng Maharlika, Taguig City, sanhi ng isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa panga.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakasuot ng helmet at nakasakay sa hindi naplakahang motorsiklo patungong Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Road 5 corner Road 14 sa nasabing barangay.

Nabatid kay Sr/Supt. Rimas Calixto, hepe ng Caloocan pulis, na hinihintay ng biktima ang kasamahan nitong si Mavil Abu, 22, sa GSIS Village ng naturang lungsod nang maganap ang pamamaril.

Lingid sa kalaman g biktima na siya ang target ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Mavil, huminto ang mga suspek at malapitang binaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Agad na dinala ang biktima sa nasabing ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pamamaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply