‘Giyera sa Gitnang Silangan, ikinatutuwa ng mga kartel ng langis’ — Kadamay

oil-hike

WALANG ibang natutuwa sa giyerang nagaganap ngayon sa Gaza Strip sa Gitnang Silangan kundi ang mga suplayer ng langis at ang mga nakikinabang ditong kartel ng langis sa bansa.

Ito ang pahayag ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa panibago na namang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ng mga kartel ng langis na Shell at Petron.

Epektibo alas-6:00 ngayong umaga, magpapataw ang Shell ng dagdag na P1.15 kada litro ng unleaded at premium gasoilne, P0.25/litro ng diesel at P0.70 sa regular gasoline.

Sa gayunding oras, kaparehong P1.15/ litro sa unleaded gasoline at P0.70/litro sa regular gasoline ang idadagdag ng Petron. P0.25/litro na pagtaas naman sa diesel at kerosene.

Ayon sa grupong Kadamay, malaki umano ang papel ng mga imperyalistang negosyante sa paglulunsad ng mga gyera kagaya ng nagaganap ngayon sa Gitnang Silangan.

Nangunguna na umano dito ang Estados Unidos na siyang pangunahing nagtulak sa Israel na giyerahin ang mga Palestinian upang magkamal ng tubo sa pagbebenta ng mga armas pandigma at pagdistabilisa sa presyo ng langis sa pandaigidigang merkado.

Sa pinakahuling tala, 105 na ang napapaslang sa nagaganap na gulo sa Gaza, habang 750 naman ang sugatan.

“Asahin patuloy pa itong tataas kasabay ng pagsirit ng mga presyo ng produktong petrolyo at kita naman ng mga suplayer at kartel ng langis sa mga darating na mga araw,” ani Badion.

Muli namang kinudena ng Kadamay ang kawalang-aksyon ng administrasyong Aquino sa hinaing ng mamamayan na aksyunan ang hindi mapigilang pagtaas ng produktong petrolyo sa lokal na pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply