Glenn Defense: ‘Di nakalalason ang itinapon sa Subic Bay

IGINIIT ng US Navy contractor na Glenn Defense Marine Philippines Inc. na hindi nakalalason ang mga waste material na itinapon ng kanilang tanker sa Subic Bay.

Ito ang inihayag ng chief exiecutive officer ng nasabing kumpanya na si Ret. Vice Admiral Meteo Mayuga bilang pagpalag nito sa ulat ng pahayagang Inquirer na nagtapon ang MT Glenn Guardian Tanker na kanilang pagmamay-ari ng toxic waste sa naturang baybayin.

Nilinaw ngayon ni Environment and Natural Resources Sec. Ramon Paje na hinihintay pa nila ang findings ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa pagtatapon ng water waste sa Subic Bay.

Sa harap ito ng pahayag ni Mayuga na hindi nakakalason o malinis ang aniya’y ‘doemstic waste’ na galing sa barko ng US Navy.

Maging sa technical presentation ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Ecology Center sa DENR kahapon, sinabi nilang non-toxic ang duming itinapon sa Subic Bay.

Sinabi ni  Paje na hindi pa sapat ang findings ng Ecology Center at kailangan nilang makita ang report ng Coast Guard.

Ayon kay Paje, Coast Guard ang may mandatong magpatupad ng mga standard at regulasyon sa mga offshore areas tulad sa Subic Bay.

Sa panig ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na dapat managot sa ilalim ng batas ng Pilipinas ang US Navy contractor kung mapatunayang may paglabag.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Mayuga na hindi sila nagtatago sa likod ng VFA.

Ayon kay Mayuga, pre-treated domestic waste o iyong mga nagmula sa palikuran, kusina at iba pang bahagi ng mga US vessel na nalinis na ang itinapon ng kanilang tanker sa nasabing karagatan at hindi iyon makapagdudulot ng alinmang pinsala sa kalikasan.

Naghugas kamay din si Mayuga dahil hindi sila kundi ang mga barko ng Estados Unidos ang dapat magsagawa ng treatment sa mga domestic waste na kanilang kinokolekta na kanila namang itinapon sa nasabing karagatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply