Glenn Defense Marine Asia, walang dumping permit — PCG

glenn-defense-marine-asia

NATUKLASAN na walang request for dumping permit mula sa US Navy contractor na Glenn Defense Marines Asia na natanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) .

Ito ang sinabi ni Rear Admiral Luis Tuazon Jr., sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations at Committee on Environment and Natural Resources.

Depensa naman ni Vice Admiral Mateo Mayuga, kinatawan ng contractor na sa high seas sila nagtapon kaya hindi na kinakailangan ng permit at kinailangan na lang iinform ang sea port department ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) dahil sa bahagi ito ng Exclusive
Economic Zone.

Ayon sa report ng SBMA Ecology Center, noong isang buwan, dumating ang tanker na Glenn Guardian sa Naval Supply Depot na may dalang 189,500 na litro ng dumi at 760 na litro ng tinatawag na bilge water (kumbinasyon ng tubig, gasoline, at grasa galing sa isang US Navy
ship,

Sa kabila ng pagtanggi ng pamunuan ng US Navy contractor na Glenn Marine Defense Asia na nagtapon sila ng hazardous waste sa Subic Bay, itutuloy pa rin  ng Senado ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Tiniyak nina Senadora Miriam Defensor-Santiago at Loren Legarda na kapwa naghain ng resolusyon para ungkatin ng Senado ang waste dumping incident.

Katwiran ng mga senadora, madaming mga magkakasalungat na alegasyon sa pangyayari kaya marapat itong busisiin para malaman ang katotohanan.

Sinabi rin ni Santiago, kahit na sabihin ng dayuhang contractor na hindi naman toxic ang mga basura, ang tunay na isyu ay nagtapon ito ng mga dumi sa karagatan ng bansa nang walang kaukulang permiso sa gobyerno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply