Go vs Cojuangco umiinit

WALA pang botohan pero nakakapa na nina Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco Jr. at controversial Philippine Amateur Track and Field Association prexy, Go Teng Kok ang bilang ng kanilang boto base sa kanilang mga kapanalig nila.

Ayon kay Cojuangco Jr. inaasahan niyang may 10 na siyang boto mula sa kanyang mga ka-ticket.

Sinisiguro naman ni Go Teng Kok na may 14 na boto siya na makukuha mula sa mga ka kosang lider ng national sports association.

Kinasahan ni Go Teng Kok ang dating kaibigan at ngayon ay mortal na kaaway na si Cojuangco ng mabatid ng una na umayaw na sa pagtakbo bilang pagka-pangulo ng POC ang sikat na businessman na si Manny V. Pangilinan.

Nakatakda ang magaganap na POC elections sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club sa Muntinlupa.

Samantala, inaasahan namang ngangaragin sa trabaho ang mga itinalagang Comelec sa nasabing eleksyon dahil sa dami ng nagsumiteng protesta mula sa mga kandidato.

Kahapon ang huling araw para sa mga gustong magprotesta.

Isa sa mga naprotesta ay si Jose Roma­santa na kinikilalang pa­ngulo ng PFK ng Philippine Olympic Committee (POC).

Hindi raw dapat na katawanin ni Romasanta ang PKF dahil nagdesis­yon na ang Mataas na Hu­kuman na illegal ang isinagawa nilang eleksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply