Gobyerno tiniyak na nakatutok sa kaso ng Maguindanao massacre

maguindanao-massacre

TINIYAK ngayon ng gobyerno na nakatutok sila sa takbo ng kaso sa Maguindanao massacre kasabay ng paggunita sa ikatlong taong anibersaryo nito ngayong araw.

Siniguro naman ni Supreme Court officer-in-charge, spokesperson Atty. Gleo Guerra, na ginagawa ni presiding judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court branch 112 ang kaniyang tungkulin upang malutas ang nasabing kaso.

Sinabi ni Guerra na nakasalalay sa kooperasyon ng depensa at ng prosecution panel ang takbo ng pagdinig sa kaso.

Batay aniya sa record ng SC, umaabot sa 196 na mga akusado sa kasama sa gumawa ng malagim na krimen habang 98 rito ay naaresto na ng mga awtoridad na ngayon ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa nasabing bilang, nasa 81 sa mga akusado na rin ang na-arraign sa tulong ng 35 na mga abogado, 21 public prosecutors habang 14 naman ang mga private prosecutor.

Sa ngayon nasa 264 araw na rin ang mga isinagawang pagdinig na may dalawang beses na hearing sa loob ng isang linggo na nagsimula pa noong Enero 10, 2012.

Binigyang diin ng kalihim na ang dahilan ng mga pagkaantala gaya halimbawa ng mga testigong hindi maiprisinta ay dahil sa mga mosyong inihahain o dilatory tactics ng panig ng depensa o ng mga akusado.

Napag-alaman na mula sa 196 na natukoy na mga suspek, 98 pa lamang ang nahuli habang 81 naman ang nasampahan ng kaso sa korte.

Kaugnay nito, dismayado naman si Atty. Harry Roque na aabutin pa ng hindi bababa sa 12 taon ang paglilitis sa Maguindanao massacre ito ay batay na rin sa sistema ng hudikatura ng bansa.

Sa kabilang dako, sinabi rin ni Roque na bagamat walang tatakbo sa 2013 sa mga nakakulong, mayroon namang siyam na Ampatuan na tatakbo sa ilalim ng Liberal Party at 32 sa ilalim ng UNA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply