Granada pinasabog sa Cubao, QC, 5 sugatan

crime3

(UPDATED) Lima ang sugatan habang apat na kalalakihan naman ang dinampot nang sumabog ang isang granada na inihagis ng isa sa mga suspeksa Cubao, Quezon City, Lunes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bubog sa iba’t ibang parte ng katawan at isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang mga biktimang sina Manuel Milanio, Niño Espina at Katherine Esquibel nang mabasag ang salamin ng isang Nafti bus lines na kanilang sinasakyan sanhi ng nasabing pagsabog .

Naglalakad lang naman sa lugar nang tamaan ng shrapnels sa katawan ang isa pang biktima na si Felicidad Orencio habang nagtitinda naman ang panghuling biktima na si Rommel Sintorios.

Sa kabila nito, pinalabas din sa naturang pagamutan ang mga biktima matapos na lapatan ng kaukulang medical attention.

Samantala, Sinabi ni Col. Marcelino Pedroso, hepe ng Quezon City Police Station 10, na may hawak na silang apat na posibleng sangkot sa pagpapasabog kabilang ang dalawang constuction workers na sina Romeo Modular at Romnick Incha, William Balasbas, roomboy ng naturang apartelle at testigong alyas Anwari.

Itinanggi naman ng apat na suspek na may kinalaman sila sa pagsabog at sinabing natutulog sila nang maganap ang insidente.

Naganap ang insidente dakong alas 8:30 nitong Lunes ng gabi sa tapat ng isang apartelle sa Edsa southbound ng Aurora Blvd., Cubao.

Bago ito, nagtungo sa apartelle noong isang araw sina Modular at Incha at isa pang hindi nakikilalang lalaki kasama ang tatlong babaeng prostitute.

Pero hindi umano nagkasundo sa presyo kaya lumabas din ang tatlong kalalakihan at kasama nilang babae at bago umalis ay nakaaway nila ang isang Alyas Lito na isang bugaw.

Tumulong naman sa away ang roomboy na si Balasbas pero tulad ni Lito, ito ay nabugbog din.

Dahil dito, paghihiganti ang sinisilip na motibo ng pulisya kaya pinasabugan ng mga suspect ang naturang apartelle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply