GTK may basbas na sa korte

go-teng-kok

KAHIT dehado ay masaya pa rin ang kontrobersyal na pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association at ng Philippine Karatedo Federation na si Go Teng Kok.

Ito’y matapos malaman na opisyal ng kandidato para sa pagkapangulo sa magaganap na POC elections sa Nobyembre 30 sa Alabang Golf and Country Club sa Muntinlupa.

Sinabi ng korte sa pamamagitan ni Pasig City Regional Trial Court Branch 159 Judge Rodolfo Bonifacio ang pananatili ni GTK bilang pangulo ng dalawang national sports associations at pagbalewala sa pagdeklara rito bilang ‘persona non grata’.

Pinanigan na ng Korte maging ang Supreme Court si GTK noong Nov. 18, 2011 matapos umapela sina POC officials Cojuangco, Monico Puentebella (chairman), Stephen Hontiveros (secretary general), Mark Joseph (deputy sec. gen.) at Jose Romasanta (spokesman).

Nakaraang buwan matapos magpasa ng certificate of candidacy si Go ay na-hold.

Dahil nawala ang dukumentong ipinadala ng korte sa POC bilang pagpapatunay na maaaring tumakbo sa kahit anong posisyon si Go.

Kakasahan ni Go ang naghahangad ng tatlong termino na si Peping Cojuangco Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply