Guiana Revilla pasok bilang cast ng Teen Gen!

manny-pacquiao-showbiz

PAGKATAPOS nakilala si Jolo Revilla bilang future action star, ang susunod naman sa yapak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado ay ang kanilang anak na si Guiana Revilla. Aba, isa na ngayong member ng cast ng bagong youth oriented show, ang Teen Gen, ang dalagita. Kasama ni Guiana sa cast ang winners ng Protégé na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Sa Party Pilipinas last Sunday ay na-introduce ang buong cast ng Teen Gen. Bukod kina Thea at Jeric, kasama rin ang iba pang finalists ng Protégé na pawang guwapo’t magaganda.

Ngayong December na mapanonood ang pangkabataang programa ng GMA 7 na another version ng TGIS noon. Kaya lang iba na ang title, Teen Gen or TG na lang. Siyempre, iba na rin ang takbo ng istorya. Kasi, iba na ang buhay ng kabataan ngayon kaysa 10 or 20 years ago.

Iba na kasi ang kaisipan ng mga kabataan ngayon dahil moderno na ang technology pati na ang mga gadgets na kanilang kinagigiliwan.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang Kap’s Amazing Stories ni Sen. Bong tuwing Sunday evening. Di niya iiwan ang programa kahit busy siya sa soap opera niyang Indio na mapanonood na rin ngayong January.  Sa Kap’s na featuring Nature’s Earth, napanood natin ang mga mapanganib na ilog sa buong mundo.

000

SUPER support si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa YouTube sensation na si Zendee Rose Tenerife. Aba, may greetings pang ipinalabas si Manny kay Zendee na kuha habang nagti-training siya sa Los Angeles, California para lang batiin ito. Bukod pa rito, pinahahalagahan ng sikat na pugilist si Zendee Rose sa pag-acknowledge ng dalaga sa nagawa ni Manny sa career niya.

Dahil kay Manny ay nakapag-kolehiyo si Zendee sa pamamagitang ng scholarship na ibinigay niya sa young singer.

Hindi rin ikinahihiya ni Zendee Rose na lagi siyang kinukuha ni Manny sa panahon ng pangangampanya nito nang lumaban ito bilang congressman.

Ngayo’y nagsasabi na si Zendee Rose na muli naman siyang kakampanya kay Manny sa 2013 elections.

Anyway, kahit nasa America si Manny, patuloy pa rin mapanonood ang Manny Many Prizes tuwing Sunday pagkatapos ng Party Pilipinas.

Habang wala si Manny sa bansa, pansamantalang maghu-host ng programa ay si Richard Gutierrez. As usual, libu-libong premyo at jackpot na P1 million cash ang ipinamimigay ng programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply