‘Gun ban’ ipatutupad sa Enero para sa 2013 elections

gun-ban

MAHIGPIT na ipatutupad ang ‘gun ban’ sa bansa simula sa Enero 13, 2013, bilang paghahanda sa 2013 May elections.

Ang gun ban ay batay sa umiiral na Resolution 9561 ng Commission on Elections (Comelec)  alinsunod sa Sections 32 at 33 ng Omnibus Elections Code.

Sa ‘gun ban’, kanselado ang Permit to Carry, Mission Orders at Acknowledgement Receipts sa baril.

Mahigpit din na ipagbabawal ang paglalabas ng baril sa mga bahay at ang pagkuha ng mga security personnel.

Maari lamang payagan ang pag-iimport o pag-eexport ng mga baril kung aaprubahan ng Committee on the Ban of Fire Arms and Security Personnels.

Sa ilalim ng resolusyon, exempted sa ‘gun ban’ ang Armed Forces of the Philippines chief (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Corrections, Bureau of Customs, Bureau of Imigration, Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at Presidential Security Group.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply