Gun ban ipinatupad ng Comelec sa Cabanatuan City

MULA ngayong araw hanggang sa Disyembre 11,2012 ay tanging mga pulis at militar na lamang ang maaring makapagdala ng baril sa buong Cabanatuan City.

Ito ay batay sa Commisson on Elections (Comelec ) Resolution No. 9548 na ipinatupad ang gun ban sa buong lungsod.

Bunsod ito sa isasagawang plebisito para sa ratipikasyon ng kanilang lungsod bilang highly urbanized city (HUC).

Ang mga napagkalooban ng otorisasyon noong nakaraang halalan na makapagdala ng baril   ay bibigyan naman ng konsiderasyon  kung nasunod  nila  ang mga panuntunang itinatadhana ng komisyon.

Ang Cabanatuan ay papangatlo na sa Central  Luzon na magkakaroonnng HUC status sakaling maaprubahan ang pagiging highly urbanized city nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply