Gun runner na pusher pa, arestado

prison

INARESTO ng mga awtoridad ang isang miyembro ng pamilya na sangkot sa mga kaso ng gun running, pagtatanim at pagbebenta ng marijuana sa isinagawang operasyon kahapon sa Paranaque City.

Unang nadakip ng mga tauhan ni Paranaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran si Ferdie Rodriguez, 45 sa kanyang tirahan sa Rodriguez Villa, Isla Compound, Tramo I Brgy. San Dionisio dakong alas-6:30 ng gabi matapos pagbentahan ng kalibre .38 baril, isang brick ng marijuana at marijuana plant sa pulis na nagpanggap na buyer.

Sumunod na nadakip ang asawa ni Rodriguez na si Rowena, 44 na nakuhanan ng 15 sachet ng dahon ng marijuana at kanilang anak na si Ronalyn, 25, dalaga na nakumpiskahan naman ng 25 dahon ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Naaresto rin ng mga tauhan ni Beltran ang kapatid na lalaki ni Rodriguez na si Albert Rodriguez, 29, construction worker na nakuhanan din ng 10 piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana

Ayon sa pulisya, natagpuan din ang isang marijuana plant sa bakuran ng mga suspect na magpapatibay sa mga kasong Drug Pushing, Cultivation of Marijuana at gun running laban sa mga naarestong miyembro ng isang pamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply