Guro ng mga Dumagat, dinukot

DINUKOT ang isang guro ng mga Dumagat, isang pambansang minoryang grupo sa Sierra Madre, at lima pa niyang kasama noong nakaraang Myerkules, ika-pito ng Nobyembre, sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay ACT Teachers Party congressman Antonio Tinio, dinukot si Gng Lanie Latuga at ang kanyang mga kasama ng 16th at 59th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Uron, Barangay Puray ng nasabing bayan.

Nadaanan umano ng mga sundalo ang guro at ang kanyang mga kasama malapit sa pinangyarihan ng engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng New People’s Army at sila ay pinaghinalaang mga kasapi o tagasuporta ng mga rebelde.

Hanggang sa kasalukuyan, ayon kay Tinio, hindi pa inililitaw ng mga sundalo ang guro at mga kasama nito.

Dagdag ni Tinio, tila-buhong na ang mga sundalo sa pagpapahirap sa mga sibilyan at hindi na nila inaalam kung ang mga biktima ay inosente o mga combatant.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply