Gustong makapiling ang mga anak at maipasyal sa abroad!

KUNG si Bea Alonzo ang tatanungin, ngayon pa lang niya nararanasan ang magkaroon ng A Beautiful Affair sa piling ng isang minamahal. Sa presscon ng teleserye nila ni John Lloyd Cruz, tinanong  kasi ang cast kung ano sa kanila ang pinaka-memorable o hindi nila malilimutan sa kanilang affairs of the heart? Ito nga ang sagot ni Bea, dahil ngayon pa lang sila gumagawa ng masasayang sandali ni Zanjoe Marudo na kung ang aktres ang tatanungin ay panghabang buhay na raw sana niya gustong makasama.

Super busy si Bea lalo pa’t puspusan ang taping nila ni John Lloyd ng A Beautiful Affair, hindi lang sila rito sa Pinas nag-taping kundi pati na rin sa dalawang lugar sa Austria (Vienna at Salzberg). Si Zanjoe ay busy rin ngayon sa isang teleserye at balita pa namin ay marami ring maiinit na eksena ang aktor with his leading lady. Pero in fairness, bongga si Bea, kampante at supportive ever siya kay Zanjoe. ‘Yun ang isa sa mga sikreto sa relayson ng dalawa kung bakit matibay ang kanilang samahan.

Living proof rin raw si Bea na pwedeng pagsabayin ang career at lovelife.

Teka, kung ang iba nga ay talagang hirap na gawin ito, sila ni Zanjoe bonggang-bongga nilang naitatawid ang lahat.

“Hindi ko rin alam. Siguro masuwerte rin ako dahil understanding siya. He’s happy kung ano ang ginagawa ko, he’s happy na successful ang pelikula (The Mistress). He’s happy na meron akong bagong teleserye coming up. Siguro ‘yung suporta sa isa’t isa.”

Sa kabila ng pagiging busy ng dalawa ay tinitiyak nilang may oras pa rin sila sa isa’t isa. Bukod sa panonood ng sine, traveling abroad ang bonding moments nina Bea at Zanjoe.

Nu’ng tinanong ang aktres kung ano sa kanya ang ibig sabihin ng A Beautiful Affair? “A beautiful affair to me is something filled with good memories…”

Well, magagandang alaala kaya nina Leon (Lloydie) at Gen (Bea) ang matutunghayan natin sa ABA?

Tutukan ang teleseryeng ito sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Ina, Kapatid, Anak.

—————0—————-

NAG-ENJOY daw ang Thai actor na si Mario Maurer sa pagbisita niya sa ilang lugar dito sa Pinas, particular na sa Ilocos Norte kung saan nag-shooting ang Suddenly It’s Magic nila ni Erich Gonzales.

Sa presscon, sinabi ni Mario, he finds Filipino women nice, sexy and kind. Si Erich ba ito?

Balitang ipinagluto raw siya ng aktres at nag-bonding rin daw sila pero hanggang magkaibigan lang sila dahil  aware si Mario na may dini-date si Erich na non-showbiz guy at si Erich rin ay knows rin na may karelasyon na si Mario sa Thailand.

Sa totoo lang, walang masyadong napiga ang press kay Mario kasi nga medyo matipid magsalita ang Thai actor kaya si Erich na lang ang chinika ng mga naroon.

Say ni Erich, exciting raw ang naging experience niya sa pag-shoot nila sa Thailand ng ilang araw para sa pelikula.

Na-witness raw ni Erich kung gaano kapopular si Mario roon at talagang kahit saan sila magpunta ay tinatawag ang pangalan nito at hinahabol raw ng fans.

Patunay lang na hindi-basta-basta ang leading man ni Erich sa Suddenly It’s Magic, di ba?

O, watch na po, ha? Showing na ito ngayon in theaters nationwide.

———————0——————

BY NOW nasa Macau na ang grupo at staff ng Wil Time Big Time. Ito ang treat sa kanila ni Willie Revillame matapos ilang buwang paghahanda para sa kanilang ikalawang anibersayo katatapos lang ngayong buwan ng Oktubre. Bago umalis si Willie, nakausap namin ang TV host at sinabi niyang isa sa mga wish talaga niya ay makapiling ang mga anak niya, na makasama silang lahat sa isang bakasyon grande abroad, lalo na si Juamee (anak niya kay Liz Almoro), “Gusto ko talaga makasama ang mga anak ko. Si Juamee, sana maipasyal ko siya sa Macau. Gusto ko siyang maipasyal at maka-bonding abroad.” Very fatherly pang sabi ni Willie.

Hindi na namin knows kung naka-join ba ang mga bagets ni Kuya Wil sa pagpunta ng tropa nila sa Macau. Kung hindi man, siguradong may ibang lakad na inihanda si Kuya Wil para sa mg aanak niya lalo pa’t ito talaga ang dream niya.

Sa pagbubukas ng panibagong taon ng Wil Time Big Time, mas exciting ang mga game portions tulad ng Tutok To Win, Jack en Poy at iba pa, asahan na mas bongga at mas malalaki ang mga pa-premyong ipamimigay.

Alam n’yo naman sa WTBT, umaapaw ang premyo sa datung at may Foton Van pa!

Bukod pa rito, masuwerte ang kalahok na mananalo ng house and lot mula sa Camella Homes.

Taraaaay!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply