Hagdang Bato puntirya ang horse of the year

HALOS lahat ng matitikas na kabayo ay nilampaso na ni Hagdang Bato.

May isa na lang ang hindi pa nakakaharap ng pambato ni Mandaluyong mayor Benhur Abalos Jr. na si Hagdang Bato, walang iba kundi si reigning Presidential Gold Cup ruler Magna Carta.

Hindi lang ang PGC titulo ang pakay ni Hagdang Bato na agawin kay Magna Carta, maging ang prestihiyosong award na Horse-of-the-Year.

Subalit tila madaling maaagaw ni three legs Triple Crown King Hagdang Bato ang dalawang nasabing titulo ni Magna Carta dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa pista ang huli.

Ayon sa mga eksperto sa karera kung nais na manatili ang pagiging hari ni Magna Carta ay dapat ngayon pa lang ay sumasabak na siya sa aktuwal races para mabatak agad ito.

Nakatakda ang PGC race sa darating na Disyembre 9.

Si Magna Carta ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse of the Year.

Kung hindi makakasali si Magna Carta sa nasabing karera ay maaaring matupad ni Hagdang Bato ang kanyang pangarap dahil ang isa pang magaling na kabayong si Humble Riches ay deklaradong hindi makakasali dahil sa injury.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply