Halloween costume, party binatikos ng isang pari

MARIING binatikos ng isang pari ng Simbahang Katolika ang kinaugalian ng ilan na Halloween party at ang pagsusuot  ng nakakatakot na imahe tuwing ginugunita ang Araw ng mga Patay o Todos Los Santos.

Ayon kay Father Vicente Avila, ang tunay na mensahe ng All Souls Day  ay hindi ang pagsusuot ng nakakatakot na imahe.

Sa halip aniya na ugaliin ang pagsusuot ng mga hallooween costume ay tularan na lamang aniya ang maamong mukha at mga damit ng mga santo.

Maging ang paghahandog ng pagkain ng mga Pinoy sa kanilang patay ay hindi rin sinang-ayunan ni Fr.Avila.

Paliwanag ng pari, higit na mabisa pa rin ang pag-aalay ng taimtim na dasal para sa kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay.

Mabuti rin aniyang magtirik na lamang ng kandila dahil sa ating buong pag-asa ay kapiling na ng ating Panginoon ang mga sumakabilang buhay.

Ipinaalala naman ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo sa mga Katoliko na makatatanggap sila ng tinatawag na plenary indulgence sa All Saints at All Soul’s days.

Anang obispo, makakamtan ito sa pamamagitan ng panalangin sa mga kaluluwang nasa purgatoryo, pagbisita sa mga sementeryo, pagsisindi ng kandila at pagdarasal para sa intensyon ng Santo Papa.

Sinabi pa ng Obispo na mahalaga ring magsimba ngayong araw (Nobyembre 1) at bukas, Nob.2
dahil sa pananampalatayang Katoliko ang banal na misa ang pinakamataas na dasal na maiaalay sa mga yumao.

Inihayag pa ni Bishop Bagaforo, kailangang magdasal ng isang Apostle’s creed, isang Our Father, isang Hail Mary, isang Glory be para sa intention ng Santo Papa at para sa mga kaluluwa sa purgatory.

Ang plenary indulgence aniya ay nangangahulugan ng kapatawaran sa kasalanan at sanctifying grace mula sa Diyos na tulad ng natatanggap tuwing binyag at sa tuwing ginawa ang seven sacraments o remission of sins.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply