Halos 100 bahay nilamon ng apoy sa Bacoor, Cavite

NILAMON ng apoy ang halos 100 kabahayan sa sunog na sumiklab sa Barangay Silangan, Bacoor City, Cavite, kagabi (Nobyembre 28).

Nabatid na pawang gawa sa light materials at dikit-dikit ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula pasado 10:00 ng gabi.

Inaalam pa kung ano ang pinagsimulan ng sunog at ang halaga ng pinsala nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply