Hamon kay Gen. Espina

bong_padua1

WALANG duda na bilib ang sambayanan kay NCRPO chief  Leonardo Espina dahil sa matigas na paninindigan sa pagpapairal ng PNP policies sa mga tauhan.

Sa kanya, walang puwang ang mga gagong pulis. Ang bibihirang ugaling ‘yan ay maraming beses nang ipinamalas ng butihing heneral. Kaya naman maraming lespyak na nakatalaga ngayon sa NCRPO ang takot na makagawa ng kasalanan dahil – sa totoo lang
– silay ‘di sasantuhin ni Espina.

Pero sa QCPD,  isang nagngangalang ‘Rocky’ ang sukdulan na ang pambabastos sa liderato ng NCRPO dahil sa ginagawang kalokohan. Itong si ‘Rocky’, ayon sa Chokepoint police informants ay nagsisilbing ‘dummy’ ng isang QCPD top official sa tongpats at katiwalian.

At take note – ginagamit pa si General Espina sa kanyang pangongotong sa mga iligal sa lungsod ni Bistek tulad ng bold shows at sugalan. Hamon natin kay General Espina, disiplinahin ang civilian PNP personnel na ito kung ‘di kayang rendahan ni QCPD director Mario dela Vega.

CEBU-BASED SUGAL AT SMUGGLING

Muli namang nagpakitang-gilas ang mga tauhan ni BOC Comm. Ruffy Biazon nang masakote nila noong Huwebes ang P7 milyong halaga ng asukal na ipupuslit sana via Cebu port.

Kamakalawa lang ay nasabat ng BOC agents ang isang Filipino-American na nagtangkang mag-smuggle ng ilang baril at gun spareparts sa NAIA.

Ang mga asukal na nakakarga sa sampung 40-footer vans ay naka-consign sa locators sa Lapu-Lapu City na Mobilla Products, Inc. at  Muramoto Audio Visual Philippines, Inc. ng Mactan Export Procesisng Zone Authority. Dumating ito sa Port of Cebu noong November 22, 2012 nang walang kaukulang permit galing sa Sugar Regulatory Authority.

Sinadya ng consignees na i-misdeclared ang shipment na mga marble/granite products at parts ng eyeglasses para ‘di na nito kailanganin pang kumuha ng SRA permit, isang rekisitos ng pamahalaan upang maiwasan ang pagbaha sa local market ng imported sugar at maproteksiyunan din ang interes ng local sugar industry.

Tama lang na pati mga export zones ay ginagalugad na rin ng liderato ni Biazon dahil ang mga daungan na ito ay madalas isinasagawa ang smuggling.

Nakatutuwa dahil sa mga nakaraang BOC administration, ‘di ginagalaw ang kalakaran sa mga export zone sa bansa dahil sa lagayan system.

At itong si Biazon, paniwala natin, ‘di nagpasanib sa kinang ng tongpats dahil nakikita natin na sinasagasaan niya ang mga smuggler.

Tuloy-tuloy lang ang ma-gandang trabaho at siguradong matutuwa ang sambayanan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply