Hamon ng DAR, tinanggap ng mga magsasaka

TINANGGAP ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP ang hamon ni Department of Agrarian Reform secretary Virgilio de los Reyes na pangalanan ang mga pekeng benepisyaryo sa listahang isinumite nila sa Korte Suprema.

Itinanggi ni De los Reyes na isinama nila sa listahan ang mga tagapag-alaga ng kabayo at kasambahay ng mga Cojuangco na benepisyaryo ng nakatakdang pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita.

Ngunit ayon sa KMP, sina Contacio G. Lundang, Rector G. Lundang, Antonio A. Claridad, Pedro A. Claridad, at Rodrigo A. Claridad ay pawing hindi magsasaka ngunit tauhan ng mga Cojuangco para mag-alaga ng kanilang mamahaling mga kabayo.

Ganting hamon ng KMP sa DAR, particular kay Kalihim De los Reyes, na huwag na itong magmaang-maangan sa maanomalyang listahang binubuo nila, katuwang ang Hacienda Luisita Inc.

Panawagan pa rin ng KMP na kilalanin lamang ang anim na libong mga nagpetisyon sa Korte Suprema at kanilang mga anak bilang tanging mga lehitimong benepisyaryo ng Hacienda Luisita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply