Hangga’t walang napeperhuwisyo, yosi di ititigil ni PNoy

pnoy-yosi

HANGGA’t walang napeperhuwisyo ay malabong mag-quit sa paninigarilyo si Pangulong Aquino.

Tugon ito ng Malakanyang sa panawagan ng Philippine Medical Association (PMA) na makakabuting tigilan na ng Punong Ehekutibo ang kanyang paninigarilyo upang maiwasan na nito ang sobrang pag-ubo.

“At a certain point, he would like to quit pero right now, ito ang nakakapag-destress sa kanya. Hayaan muna natin ang Pangulo na hanapan ng paraan. Alam naman niya kung ano ang importante,” ani Presidential spokeperson Edwin lacierda.

“Just to clarify ang pagkakasakit ng Pangulo, ‘yung kanyang pag-uubo sa Australia-New Zealand ay nagkaroon siya ng pollen allergy. Mataas po ’yung pollen count sa Australia,” ani Lacierda

Sinabi ng opisyal na nakuha ni Pangulong Aquino ang kanyang pollen allergy sa kanyang namayapang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply