Hangin sa NCR, luminis ng bahagya

denr

PWEDE nang pagtiyagaan ang hangin ngayon sa Metro Manila, ito ang pahayag kahapon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon J. P. Paje.

Ani Paje, medyo luminis na ang hangin sa Metro Manila matapos bumaba ng 21% sa kabuuan ang average level ng air pollution.

Patuloy umanong bumababa ang polusyon kaya mas magiging malinis na ang hanging sisinghutin sa 2013.

Ani Paje, bumaba ang air pollution sa buong National Capital Region at patuloy pa itong bumababa kaya nakasisiguro silang mas magiging malinis na ang hanging hihingahin ng mga tagasiyudad sa 2013.

Luminis umano kahit paano ang hangin sa Metro dahil sa pagbaba ng lebel ng air pollutants sa metropolis sa pagtutulungan ng DENR, iba pang ahensya ng gobyerno at mga pribadong sektor.

Samantala, nanawagan na rin ang DENR sa publikong makiisa sa gobyerno upang maipatupad ang air improvement program ng gobyerno sa pamamagitan ng regular na check up sa kanilang mga sasakyan at palagiang pagsasailalim sa emissions testing.

Malaki rin umano ang maitutulong ng pagtatanim ng puno o pagkakaroon ng home garden upang masipsip kahit paano ang carbon monoxide.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply