Happy naman daw at ‘di nagsisisi! (kaya?)

daniel-matsunaga

LIMANG buwan na si Daniel Matsunaga sa TV5 at happy naman siya sa kanyang show na ‘Game N’ Go’, bukod sa Third Eye at Enchanted Garden.

May option pala si Daniel na magtrabaho sa GMA. Willing ba siya kung makasama niya sa isang proyekto ang kanyang ex-girlfriend na si Heart Evangelista?

“Yes, I would accept! Walang problema, we’re still friends. There’s no problem and it would really be a nice experience again,” mabilis niyang sagot.

Ano naman ang masasabi niya sa bagong boyfriend ni Heart na si Senator Chiz Escudero?

“I will say, ‘Please take care of Heart kasi she’s really a good person, e.’ So they deserve each other. Plea- se take care of her.’

“For me there is no problem. Kasi for me I really have no bad feelings e, I have no reason to have bad fee- lings at all so there’s no problem for me to go to him or him to go to me. Kahit ano, e,” sey pa niya.

Tsuk!

-0o0-

Happy ngayon si Rafael Rosell bilang isang kapuso. Maayos raw siyang nagpaalam at hindi siya nagsisisi.

“Wala, wala, puwede pa ring banggitin yung pangalan ko sa Dos. Wala namang isyu. Nagpaalam naman ako ng maayos kay Ms. Cory (Vidanes), naka-ilang meetings rin po kami.”

Ang reason na ibinigay niya. “Yung totoo. Wala naman akong itinatago sa kanya, e. Sabi  ko sa kanya na ‘Miss Cory, I’m looking for change.’ “At sabi niya, ‘Sige ano ang puwede kong i-provide para makuha mo yung change na gusto mo?’

“Sabi niya, ‘Sino ba’ng staff ang gusto mo?’, ganyan-ganyan, ‘We’ll create the environment.’

“Sabi ko ‘Hindi yun Miss Cory, e.’ Ang gusto ko lang kasi paano ko madya-judge kung gaano kalakas ang intensi- ty ng isang  network kung hindi ko pa nakikita ang network, di ba?

“So porke pinalitan mo yung posisyon ng kama mo sa kuwarto, hindi naman ibig sabihin hindi ka happy sa rating posisyon ng kama mo.

“Matutulog ka pa rin pero gusto mo lang ng pagbabago, di ba?”

Ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera ang  katrabaho niya sa Temptation of Wife. Kung walang bf si Marian, possible kaya niya itong ligawan?

“Kung walang Dingdong (Dantes) or walang kung sino man, siyempre malaki ang posibilidad sa lahat, di ba,” sa- bay tawa niya.
Si Kris Aquino ang naging instrumento kaya napunta si Rafael kay Popoy. Magkaibigan sina Kris at Popoy.

“Dahil binanggit na ni Miss Kris sa akin rati na, sabi niya ‘Si Popoy is interested in managing you, just in case in the future’, ganyan-ganyan.

“E the future came so siya yung unang naisip ko at kinontak ko,” kuwento pa niya.

-0o0-

Masaya ang pagdiriwang ni Atty. Ferdinand Topacio ng kanyang kaarawan sa Barcelona, Metro Walk.

Nandoon rin ang bago niyang tinutulungang talent ng TV5 na si Marvelous. Kumanta ito para sa birthday celeb- rant. Kitang-kita naman ang kaligayahan ni Atty habang pinagmamasdan ang batang singer-actress.

Hindi maiwasan na i-link si Marvelous kay Atty. Topacio.

“This is purely work, walang kinalaman ang problema ng puso, I would like it known na talagang trabaho lang ito at wala ng iba pa,” pahayag ni Marvelous sa grupo ng press na bisita ni Atty.

Samantala, tinanong din si Atty. Topacio kung ano ang puwedeng gawin ni Bea Binene para iurong ang kasong isi- nampa niya. Humarap lang daw sila sa publiko na okey na sila, humingi siya ng pumanhin at ibeso siya ay maaa- yos na ang lahat.

Marami rin ang nagtatanong kung bakit pinupuri pa rin niya si Bea na magaling na artista kumpara kay Anne Cur- tis. Sariling pananaw at opinion raw niya ‘yun. Bagamat idinemanda niya ang young actress, wala naman raw ki- nalaman ‘yun sa pagiging magaling nitong aktres. Sey pa nga ni Atty. Sayang raw dahil nasa maling timeslot ang serye ngayon ni Bea dahil ang mga fans niya ay nasa eskuwela habang ipinapalabas ito. Mas maganda pa nga raw ang oras ng show ni Barbie Forteza dahil nakalabas na a school ang mga teenager pag ipinapalabas ito sa GMA 7.

Yeah ba!

-0o0-

Nominado ngayon sa PMPC star Awards for TV ang  public service show ni Atty. Persida Acosta na Public Atorni: Asunto O Areglo na gaganapin sa Nov. 18 sa Ateneo Theater pero wala na sa ere. Replay na lang ang napanonood sa Aksyon TV 41.

Nalaman namin na walang kontrata si Atty. sa TV5 at maaari siyang gumawa ng show sa ibang network pero may usa -pan raw sila ng big boss ng Singko at naghihintay lang siya. Paminsan-minsan naman ay napanonood pa rin siya sa Face to Face.

Tinanong rin si Atty. kung may balak siyang tumakbo sa politics dahil kilalang-kilala na siya ng mga tao.

“Hindi pa po ito ang panahon para sa politika, o mas mataas na posisyon sa pamahalaan. Kalooban po ng Diyos. Sapat na ang posisyon ko sa PAO at paglabas sa TV,” sagot niya.

Mas nakatuon ang atensyon ni Atty. Persida sa kanyang pagtapos ng Doctorate Degree, o Ph.D (Doctor of Philoso- phy) in Social Development. Tatlong semestre na lamang daw at kakamtin na ng kilalang abugada ang naturang deg -ree.

Anyway, congrats kay Atty. Acosta dahil katatanggap lang niya ng parangal sa 11th Annual Gawad Amerika Award  bilang Outstanding in Public Servant and in Legal Jurispudence 2012.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply