Harden pumutok ng 45 pts.

PARANG nakadampot ng ginto ang Houston Rockets sa katauhan ni sixth man of the year James Harden dahil nagpasabog ito ng career-high 45 points upang manatiling walang bahid sa dalawang laro ng 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

”He’s pretty good, I’d say,” patungkol ni Rockets coach Kevin McHale matapos nilang katayin ang Atlanta Hawks, 109-102. ”He just kept battling and playing.”

Galing si Harden sa Oklahoma City Thunder subalit bago mag-umpisa sa NBA ay na trade ito sa Houston.

Umalalay sa opensa ang baguhan din na player sa Houston na si Jeremy Lin ng magtamo ito ng 21 puntos, 10 rebounds at pitong assists habang nag-ambag si bench player Marcus Morris ng 17 pts. At limang boards.

”He frees everybody up,” ani Lin kay Harden. ”He knows what he’s doing. We’re thankful that he showed up.”

Hindi man naka score ang sentro ng Rockets na si Omer Asik subalit tumikada naman siya ng career-high 19 rebounds.

Abante ang Rockets ng pitong puntos sa 1st quarter, 28-21 at nadagdagan pa ito ng dalawang puntos matapos ang first half.

”It’s a lot different,” wika ni Harden. ”Having the offense run basically through you, it’s a lot different, but that’s my job now so I’ve got to get used to it.”

Samantala, si Lou Williams ang nagdala sa opensa ng Hawks na may binirang 22 puntos.

Sa ibang kaganapan, nasilat ng New York Knicks ang defending champion Miami Heat, 104-84 habang nalasap naman ng Boston Celtics ang ikalawang sunod na kabiguan ng daigin sila ng Milwaukee Bucks, 88-99.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply