Hari EcoVan 2

IPINASILIP na ng Hyundai Asia Resources Inc. o HARI, ang opisyal na distributor ng Hyundai vehicles dito sa Pilipinas ang kanilang pangalawang “HARI EcoVan” kung saan katulong nila ang Hari Foundation at Haribon Foundation.

Una nang inilunsad ang HARI EcoVan noong Abril 22 sa selebrasyon ng Earth Day kung saan binisita nito ang limang elementary school sa Makati, Quezon City at Marikina at mahigit dalawang libong estudyante ang nakinabang sa biodiversity-learning session na inihatid ng Haribon Foundation at education team na sakay ng HARI EcoVan.

Ang HARI EcoVan ay isang customized classroom-on-wheels sa bansa kung saan ibinibigay nito ang karunungan tungkol sa biodiversity. Ang biodiversity ay pagkakaiba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo na bumubuo sa natural na kalikasan.

Makikita sa loob ng EcoVan ang isang maliit na classroom na may built-in library, audio-visual system na may malaking screen para sa film showing at AVP presentation, interactive games, lugar para sa art workshops at storytelling at display ng Haribon merchandise at information materials.

Ang pangalawang HARI EcoVan ay ipapadala sa Visayas region upang mas maipalaganap ang programa ng HFI at Haribon’s green advocacy. Sa ngayon, ay ginagawa ang pangatlong EcoVan na dadalhin naman sa Mindanao region.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply