Hatton, Montiel makikipagbangasan bukas

KAPWA lalaban bukas sina Ricky “The Hitman” Hatton at Fernando “Kochulito” Montiel sa magkahiwalay na venue.

Si Hatton ay lalaban kay Vyacheslav Senchenko para sa 10-round welterweight main event bout ng mga ito sa Manchester Arena sa Manchester, England.

Sa isinagawang weigh ay kapwa tumimbang ng 146.5 pounds ang dalawa.

Samantala, si Montiel ay haharap kay Giovanni Caro para sa WBC super bantamweight international title sa Mexico.

Tampok din sa laban ang Alejandro Sanabria 129.80 vs Nery Saguilan 129.80, Abdiel “Mortero” Ramirez 133.50 vs Heli Quiroz 134.65, Carlos Raul Guzman 125.40 vs Brain Flores 127, Javier
“Intocable” Molina 147 vs Fernando Silva 147.40 at Patricio Moreno 126 vs Carlos Rodriguez 126.

Matatandaan na biktima ni Manny Pacquiao si Hatton habang si Montiel naman ay nakatikim ng TKO loss kay Nonito Donaire, Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply