Hawks inihaw ng Heat

NAMIMILAY si LeBron James, naka-upo naman sa bench si Dwyane Wade dahil nilalagnat ito subalii nagawa pa ring ihawin ng Miami Heat ang Atlanta Hawks, 95-89 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA regular season kaninang umaga.

Tumipa si reigning three-time MVP James ng 21 puntos kasama ang pandiin na jumper may 13.6 segundo na lamang ang natitira sa final canto upang ilista na Heat ang 5-1 panalo-talo karta at manatiling nasa top spot ng Southeast division sa Eastern Conference.

”It’s a little sore right now,” ani basketball superstar James. ”I knew I would get through it. It would take a lot for me not to go back out there with my teammates.”

Sa final minute ng first nangyari ang pamimilay ni James ng magbanggaan ang tuhod nila ni Hawk forward Josh Smith subalit pinilit pa rin maglaro ng una.

Tumulong din sa opensa para sa defending champion Heat sina Chris Bosh at Ray Allen.

Nanguna sa opensa si Bosh na may 24 points at limang renounds habang si Allen ay nagdagdag ng 17 markers kasama ang 3-of-5 sa three-point arc.

Dikitan ang labanan sa unang tatlong quarters at sa fourth period ay lumayo ang Heat sa pagbanat ng 10-2 run subalit tumirada si Jeff Teague ng back-to-back treys upang itabla ang score sa 85 may 4:04 minuto na lang sa orasan.

”You have to fight for wins on the road. They never come easy,” anang Fil-Am heat coach Erik Spoelstra. “As for Allen, He’s done that over the course of a 17-year career. That was one of the reasons we went after him.”

Muntik na rin maka-triple double si james dahil may 11 boards ito at siyam na assists.

”I had a pretty good look,” sabi ni James. ”It’s just about repetition. It’s things that you practice every day.”

Si Teague ang top scorer ng Hawks matapos magtala ng 20 markers.

Tangan ng Atlanta ang 2-2 record.

Samantala, patuloy na namamayagpag ang New York Knicks matapos nilang gapiin ang Dallas Mavericks, 104-94.

Malinis pa rin sa apat na laro ang Knicks.

Sa ibang NBA resulta, gabuhok na tinalo ng Phoenix Suns ang Cleveland Cavaliers, 107-105 habang tinambakan naman ng Brooklyn Nets ang Orlando Magic, 107-68.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply