Bahay ng negosyante sinilaban, 2 kulong

behind-bars-2

KALABOSO ang dalawang lalaki matapos hagisan ng molotov ang bahay ng negosyante sa Valenzuela City kaninang madaling araw, Nobyembre 28.

Nakilala ang mga suspek na sina Carlos Morales, 26 ng Wawang Polo ng lungsod at Enrico Manes, 22 ng Obando, Bulacan.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw, magkaangkas sa motorsiklo ang mga suspek at pumarada sa tapat ng bahay ni Roberto Aquino, 42 sa F. Valenzuela St., Palasan ng lungsod kung saan bumaba si Manes at pinukol ng molotov ang bahay ng biktima.

Nagawa namang maapula ng mga kapitbahay ng biktima ang apoy habang mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na hinabol ng mga barangay tanod.

Pagsapit sa Patron St., Palasan ay bumaba si Manes at nagtago sa Morelos Motorcycle shop habang nadakip ng mga tanod si Morales.

Nang magdatingan ang mga pulis ay hindi na rin nakapalag pa si Manes at sumuko.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply