Heart, dedma sa intrigang ginagamit siya ni Sen. Chiz

“BAHALA sila. Hindi naman sila ang kinikilig, eh!” Ito ang sinabi ng Kapsuo actress na si Heart Evangelista sa pep.ph patungkol sa mga nang-iintriga sa kanila ng boyfriend na si Senator Chiz Escudero.

Mula nang aminin ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon ay hindi na tinantanan ang magkasintahan ng kaliwa’t kanang intriga at sinasabi pa sa mga umpukan at chikahan na ginagamit umano ng senador si Heart sa kanyang political career.

Ikinuwento rin ng batang aktress sa pep.ph na bumiyahe sila ni Chiz sa Hong Kong nitong nakalipas na bakasyon.

Natuwa aniya siya dahil sa mga susunod na araw ay super hectic na ng kanyang sched dahil gumagawa siya ng bagong soap opera at pelikula.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply