Heat pinakaba ng Cavs

HINDI naging madali para sa defending champion Miami Heat ang kunin ang ika-10 panalo ito’y matapos silang pahirapan ng Cleveland Cavaliers kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Dalawang puntos lang ang nilamang ng Heat sa Cavaliers, 110-108 upang ilista ng Miami ang 10-3 win-loss slate at manatili nasa tuktok ng Southeast division sa Eastern Conference.

Naghahabol ang Heat ng pitong puntos, 101-108 may 1:52 minuto na lang sa final canto subalit nataranta ang Cavs kaya natalo pa sila ng pangunahan ni Ray Allen ang 9-0 run ng Miami.

Isang lay up ang tinikada ni three-time MVP LeBron James, tig isang three-point play, three-point shot at free throw naman ang kinana ni Allen upang ilista ng Heat ang 6-0 sa home.

Angat na ng isang puntos ang Heat, 109-108 may dalawang segundo na lang sa orasan kaya matapos isalpak ni Allen ang unang tira sa foul throw ay sinadyang isablay nito ang pangalawa upang maubos ang oras.

Si James ang naguna sa opensa ng Heat na may kinargang 30 puntos, anim na rebounds at limang assists habang si Allen ay may 17 pointsn at limamng boards.

Nag-ambag din sina heat star players Chris Bosh at Dwyane Wade ng 23 at 18 pts. ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nakapanalo rin sa road game ang Los Angeles Lakers ng tambakan nila ang Dallas Mavericks, 115-89.

Sa ibang NBA resulta, kinaldag ng Oklahoma City Thunder ang Philadelphia 76ers, 116-109 sa isang overtime game habang ang Atlanta Hawks ay dinagit ang Los Angeles Clippers, 104-93.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply