Helper nagbaril sa sarili

PATAY ang isang 34 anyos na helper matapos nitong agawin ng baril ng isang security guard at magbaril sa sarili kagabi sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktimang si Rey Penaberde, may-asawa, ng 44 Herono Yanco St., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng baril sa katawan.

Ayon kay SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 11:40 ng kagabi nang naganap ang insidente sa compound ng 728 Old Torres St., Tondo.

Nauna dito, nakita ni Alejandro Ariola, 42, security guard sa compound, ang biktima na naghahalungkat sa kanyang locker kaya tinanong ito kung anong kinukuha na sinagot naman ng huli na baka naitago nito ang tools ng isang John sa kanyang locker.

Habang naghahalungkat si Ariola sa kanyang locker nang walang sabi-sabing hinablot ng biktima ang kalibre .38 na service firearm ng sekyu saka nito itinakbo.

Hinabol ni Ariola ang biktima hanggang sa naka-akyat ito sa gate ng 738 Old Torres St., saka ito nagbaril sa sarili.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng biktima kung bakit ito nagbaril sa sarili.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply