Hepe ng NBP, sinibak ni De Lima

116964_BnMainFea

SINIBAK sa pwesto ni Justice Secretary Leila de Lima si New Bilibid Prisons Superintendent Ramon Reyes at iba pang opisyal sa NBP.

Papalitan ng mga Junior Officers ng New Bilibid Prisons ang mga sinibak at nilagay sa floating status na mga senior officials.

Bukod kay Reyes, sinibak din sina Maximum security compound Supt. Roberto Rabo, Medium Security compound Supt. Dante Cruz at Penal Institution Supervisor Geraldo Aro ng minimum security compound.

Sa mga guwardiya naman, partikular nitong pinatututukan ang mga guwardiya sa entrance at exit na syang suspetsa nitong may lamat na ang integridad sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa maximum security compound.

Iniutos din ni de Lima na isailalim sa polygraph test ang dalawang testigong inmates na nagbigay ng statements na sinasabing nakakita sa suspek nang ihagis ang granada.

Ipinatutuloy pa rin ni de Lima ang pag-raid sa iba pang area ng NBP na posibleng pinagtataguan ng lahat ng bawal na kontrabando at armas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply