Hepe ng pulis, 26 sakop kinasuhan sa Tacurong

Tacurong City, Sultan Kudarat – Sinampahan na ng patong-patong na kaso ang isang opisyal at 26 pang kasamahan nitong police personnel matapos inireklamo ng kanilang hinuli sa raid sa Purok Saludin, Barangay Labangal.

Ang mga kinasuhan sa Ombudsman ay kinabibilangan ng dating hepe ng Makar-PNP na si C/Insp Samuel Cadungon.

Nabatid na nagsagawa ng raid ang grupo sa bahay ni Jamiliya Yasin Marohom, nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1866 o illegal possession of firearms matapos makunan ng dalawang kalibre .40 pistol, isang M16 armalite at mga bala.

Pero binuweltahan sila ni Marohom at kinasuhan ng grave misconduct, serious neglect of duties, violation sa Article 129, 286, 124, 128, 282, 199 batay na rin sa Revised penal code at paglabag sa Republic Act 2610 o 9262.

Samantala, sa panig ng mga pulis ay handa naman nilang harapin ang mga inireklamong kaso na isinampa laban sa kanila.

Giit ng mga ito, may search warrant na ipinalabas ang korte nang magsagawa sila ng raid noong Mayo 12 ng kasalukuyang taon.

Aniya, kompleto naman ang ebidensiya at dokumento na kanilang pinanghahawakan na magpapatunay na walang pang-aabuso na nangayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply