Hepe ng Sta. Cruz police station sa Ilocos Sur sinibak

LA UNION – Sinibak ang hepe ng Sta. Cruz police station sa Ilocos Sur dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng one strike policy.

Ayon sa report ng PNP Region 1, kinilala ang sinibak na si Chief Inspector Faustino Ugoy Badao.

Si Bado ay tinanggal sa puwesto dahil sa pagpapabaya sa iligal na sugal sa kanyang nasasakupan.

Itinalaga namang officer-in-charge ng Sta. Cruz police station si Inspector Alejandro Manzano Jr.

Sa inisyal na imbestigasyon sa pagkakasibak ni Badao, nagkaroon ng operasyon ang Ilocos Sur PNP hinggil sa talamak na sugal sa Barangay Paratong.

Sa operasyo ay naaresto sina Marvin Galunga, 35 at Jerimy Mallari, 37, ng nasabaing barangay.

Nakumpiska sa mga nadakip ang mga money collection, calculator, ballpen at jueteng paraphernalia.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply