Hiling kay PNP Chief sa Cavite at demoralisasyon sa Bilibid

burdado- jun briones

DEMORALISADO pa rin ang matataas na opisyal sa Bilibid dahil sa Dept. Order N0. 982 ni DOJ Sec. Leila de Lima.

Sa nasabing kautusan, inalis ang commander of the Guards (COG) ng RDC, Medium at Maximum Security compounds at pinalitan ng mga may pinakamababang ranggo sa Bureau.

Ayon sa source, ang mga ‘super-sipsip’ kay De Lima ang utak nitong DO 982 na siyang naglalagay sa panganib sa buong operasyon ng pambansang piitan.

Natural lang na palitan ang mga COG lalo na kung nagkakaroon nga ng problema, pero por diyos por santo naman, parekoy, opisyal sana ang dapat na inilagay!

Halimbawa sa PNP, ano kaya ang masasabi mo, Sec. De Lima, kung pinalitan ni Sec. Roxas ang isang provincial director pero ang kanyang iniluklok ay bagong pasok na P01?

Kaya ba itong tanggapin ng pulis na may ranggong P02 hanggang S/Superintendent?

Kaya ba ng isang Prison Guard 1 (PG1) ang napakalaking responsibilidad na ito?

Ito, parekoy, ang mga bagong COG sa Bilibid.

RDC – PG1 Lucio Guevarra.

Minimum – PG1 Sandy Marquez na may hawak na 60 guards at nasa 700 na preso.

Medium- PG1 Robert Jarabe, may sakop na 160 guards at nasa 7,000 bilanggo.

Gising Sec. Leila de Lima!

-o0o-

SANGKATERBANG reklamo ang ating natanggap mula sa mga residente ng Cavite City, Kawit, Rosario at Noveleta.

Kaugnay ito, parekoy, ng malaganap na iligal na sugal na pinangangasiwaan ni Danny Itlog sa pakikipagsabwatan ng isang mataas na opisyal.

Alam na natin, parekoy, ang pangalan ng nasabing “kernel” na mentor umano ni “Itlog” pero bibigyan natin siya ng pagkakataong ipatigil ang nasabing operasyon ng iligal na sugal.

‘Yan ay bago natin bitbitin, parekoy, kay PNP Chief Nicanor Bartolome ang nasabing mga reklamo ng taumbayan. Samantala, tinatawagan natin ang pansin nina Cavite PNP Prov’l. Director John Bulalacao at RD C/Supt. Melad.

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply