Hinahabol na tax refund ng North Tollways ibinasura ng CTA

IBINASURA na ng Court of Tax Appeals (CTA) ang apela ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) kaugnay sa hinihingi nitong 8.64 million pesos na tax refund na ibinayad para sa isa nitong French stockholder na Egis Project SA.

Sa 30-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Olga Palanca-Enriquez, nabigo ang MNTC, builder at operator ng NLEX, na patunayan na karapat-dapat ito para sa tax refund.

Tinukoy ng CTA na hindi naiprisinta ng MNTC ang orihinal nitong monthly remittance return of Final Income Taxes Withheld, at sa halip, tanging ang amended monthly remittance return lamang ang naisumite nito sa korte.

Nag-ugat ang kaso nang bayaran ng MNTC sa Bureau of Internal Revenue o BIR ang 15 percent na declared dividend para sa Egis.

Ang Egis ay isa sa stockholder ng MNTC na may hawak ng mahigit 2.4 million shares na katumbas ng 13.9 percent ng outstanding capital stock ng MNTC.

Nauna nang iginiit ng Egis na sa ilalim ng RP-France Tax Treaty, ang tax withheld na dapat nilang bayaran ay sampung porsyento lamang at hindi 15 percent.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply