Hindi ko pinakikialaman ang personal na buhay ni Jake – Erap

NAGSALITA na si dating pangulong Joseph Estrada sa report na inaayawan niya ang relasyon ng kanyang anak na si Jake sa aktres na si Andi Eigenmann.

Si Jake ay anak ni Erap sa dating movie actress na si Laarni Enriquez.

Sa isang interbyu, ipinaliwanag ni Erap na hindi siya kailanman nakialam sa personal life ng kanyang anak.

“Wala naman, wala. Hindi ako nakikialam lalo na nasa sapat na gulang na siya. Siya na ang dumiskarte sa kinabukasan niya.”

Naniniwala aniya siya na alam na ng kanyang anak ang kanyang ginagawa at alam na rin nito kung ano ang makabubuti sa kinabukasan ni Jake.

“Yung anak ko nag-aaral ‘yun, matalino iyon eh kaya hindi ko kailangang turuan. Kung iyon ang gusto, sabi ko sa kanya, your future is in your hands. Nasa kamay mo ang kinabukasan mo. Kaya kita pinag-aaral para nasa iyo na, wala kang masabi sa akin kung anong mapili mo.”

“College ka na, sa London kita pinag-aral para matuto ka ng husto. Ngayon, may edad ka na, ikaw na ang bahala sa kinabukasan mo, [pati sa dikta ng puso] bahala ka.”

Matatandaan na sa unang interbyu ay inamin ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose na mukhang ayaw ng mga magulang ni Jake sa relasyon ng kanyang anak dahil sa pagiging dalagang ina nito.

Agad namang humingi ng paumanihin si Andi sa naging statement ng kanyang ina.

“In behalf of my mother, Id just like to apologize for certain things she might have said that might have put certain people in a bad light. I know, for a fact, that it wasn’t her intention at all. Maybe at that point, she too was only being a mom. Just as your parents would want what’s best for you, she just wants the same for me, and this time I’m guessing she just wanted to let others know that I deserve it too. (In her opinion, that is),” ani Andi sa kanyang blog site kung saan inamin din ng aktres na mahal niya si Jake.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply