Hindi pa man umaamin, break na!

julia-montes-and-enchong-dee

KALORKY, hindi pa umaamin pero break na raw sina Enchong Dee at Julia Montes.

Ilang beses na rin naming nakikita ang dalawa na nagdi-date pero ang drama ni Julia ay wala pa sa right age para magka-boyfriend. Very vocal naman si Enchong na nililigawan niya at mahal si Julia.

Bagamat may bulung-bulungan na noon pa sila nagkakamabutihan pero sumabog ngayon ang balita na split na sila nu’ng October pa.

Bagamat may filmfest movie ang dalawa na kasama si Enchong Dee, may alingasngas na split na sila at hindi raw nag-uusap sa shooting.

May ganoon?

-0o0-

ABALA na naman ang Philippine Movie Press Club, Inc. dahil sa Linggo, Nov. 18, 6PM ay gaganapin ang 26th PMPC Star Awards for TV sa Ateneo, Henry Lee Irwin Theater, Katipunan Road, Quezon City.

Ang telecast ay mapanonood sa November 25, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Ito ang gabi na maglaban-laban sa BEST DRAMA ACTOR category sina Coco Martin, Dingdong  Dantes, Eddie Garcia, Gerald Anderson, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Richard Gomez.

Buhay na buhay rin ang mga Noranians dahil makikipagsalpukan ang kanilang idolong si Nora Aunor sa BEST DRAMA ACTRESS category kina Dawn Zulueta, Helen Gamboa, Janice De Belen, Rochelle Pangilinan, Susan Roces at Xyriel Manabat.

Matindi rin ang labanan sa BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTOR sa pagitan nina Arjo Atayde, Gerald Anderson, JM De Guzman, Noni Buencamino, Phillip Salvador, Piolo Pascual at Robin Padilla. Sa BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS naman ay magtutunggali sina Angel Aquino, Brenna Garcia, Gina Pareño, Iza Calzado, Jane Oineza, Ma- ricel Soriano at Sylvia Sanchez.

Hosts sa gabi ng Parangal sina Kris Aquino, Toni Gonzaga at Aga Muhlach. May isa pang surprise tv host-actress na magho-host.

Ang opening number ay tatampukan nina Erik Santos, Angeline Quinto, Jay-R at Karylle. May song number naman si Dawn Zulueta para sa natatanging alagad ng telebisyon awardee na si German Moreno para sa kanyang 50th anniversary sa showbiz.

May production number naman si Ms. Ai Ai delas Alas.

Pam-finale naman si Rufa Mae Quinto sa production number na ‘Unity’ na kung saan ay may representative ang ba- wat giant networks gaya nina Aljur Abrenica at Mark Herras sa GMA 7, John Prats at Gab Valenciano sa ABS-CBN, Rodjun Cruz sa TV5 kasabay ang ilang komedyante na magpapasayaw sa audience habang ipinakikita ang VTR of all stations’ employees dancing to Gangnam.

Magkakaroon rin ng tribute at bibigyan ng Posthumous award ang King of Comedy na si Mang Dolphy.

Ang tatangap ngayong taon ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award ay si Ms. Gloria Romero. Ang Excellence in Broadcasting Award naman ay si Tina Monzaon-Palma.

Pipiliin rin sa gabing ‘yun ang pagkakalooban ng special awards gaya ng Celebrity Skin of the Night, Male/Female Sexy Stars of the Night, Male/Female Face of the Night, Male/Female Star of the Night.

-0O0-

ANG lakas ng impact ng TV drama na Walang Hanggan na nanguna sa top 15 programs na may national TV rating na 36.4% sa kanyang pagtatapos nu’ng Oktubre. Nag-iwan pa ito ng nominasyon sa 26th PMPC star Awards for TV kung saan for the first time, pitong kategorya ang nominado sa isang programa.

Hindi rin natibag ang Wansapanataym tuwing Sabado sa national TV rating na 34.2%.

Tinutukan rin ng mga kabahayan ang bagong Kapamilya family drama series na Ina, Kapatid, Anak (27.8%) at romantic teleserye na A Beautiful Affair (23.9%) na agad na tumatak nang inilunsad at nakamit ang ikaanim at ika- 13 puwesto sa top 15.

Pagdating naman sa balita, TV Patrol pa rin ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga manonood sa average TV rating nitong 31.1%

Samantala, unti-unti na ring lumalakas ang noontime show na It’s Showtime sa labanan sa ratings sa nakuha nitong all-time high na national TV rating na 20.9%.

Kabilang din sa top 15 programs ang Kapamilya shows na Princess and I (34.3%), Maalaala Mo Kaya (31.9%), Kapa- milya Deal or No Deal (27.4%), Aryana (25.8%), Rated K (24.9%), Lorenzo’s Time (24.3%), Be Careful with My Heart” (23.3%), at TV Patrol Weekend (21.7%).

Bongga!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply