Hiniram na motorsiklo ipinatubos, ex-parak kulong

KULONG ang isang dating pulis matapos ipatubos sa may-ari ang hiniram na motorsiklo ng una sa Caloocan City kahapon, Nobyembre 23.

Nahaharap sa kasong robbery extortion si dating PO1 Virgilio Sayaman, na dating nakatalaga sa Region 3 at residente ng Libis Espina St., ng lungsod.

Sa reklamo ni Roussel Milanes, 36, traffic enfocer ng Metro Manila Development Authority, kamakalawa ay hiniram ng suspek ang kanyang Honda Beat (7215-TL) subalit inabot na ng ilang oras ay hindi na bumalik ang suspek.

Nakatanggap pa ng text ang biktima mula sa suspek na kung gustong umanong mabawi ang motorsiklo ay kailangan magbigay ng pera.

Lumapit sa mga pulis ang biktima at kahapon ay nagsagawa ng entrapment operation malapit sa bahay ng suspek na naging dahilan upang madakip ang suspek.

Nagpakilalang pulis ng Caloocan City Police ang suspek subalit nang berepikahin ay hindi totoo at nalaman na natanggal na sa serbisyo si Sayaman noong pang Enero ng taon.

Dahil dito, nadagdagan ng usurpation of authority ang ikinaso sa suspek.

Nabawi rin ang motorsiklo ng biktima at ang P1,000 na ginawang pain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply