Hirit ni Abalos na makalabas sa bansa ibinasura

IBINASURA ng Pasay City Regional Trial Court ang kahilingan ni dating Comelec Commissioner Benjamin Abalos na makalabas ng bansa partikular sa bansang Taiwan dahil sa kanyang negosyo na palaisdaan.

Sa resolusyong inakda ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas, sinabi nitong walang shortage ng bangus sa bansa kaya’t walang makitang rasonableng dahilan ang korte para payagan si Abalos na makapangibang bayan lalo’t may kinakaharap itong kaso.

Sa petisyon ni Abalos, sinabi nitong kailangan niyang makapunta sa Taiwan upang makipag-usap sa mga supplier ng bangus fry na kinakailangan sa kanyang palaisdaan na matatagpuan sa lalawigan ng Zambales.

Nahaharap si Abalos sa kasong electoral sabotage dahil sa umano’y partisipasyon nito na pandaraya noong 2007 Presidential elections, subalit pansamantalang nakakalaya matapos payagan ng korte na makapagpiyansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply